ANIMO TSUPER: BIYAHE NG BAYANIHAN COMMUNITY PANTRY
Isinagawa ng De La Salle University–Dasmariñas Basic Education Lasallian Mission Office ang Animo Tsuper: Biyahe ng Bayanihan Community Pantry sa harap ng Magdiwang Gate 3 bilang bahagi ng kanilang misyong paglilingkod at pakikipagkapwa.
Layunin ng inisyatiba na magbigay ng mahahalagang pangangailangan sa mga tsuper at iba pang itinuturing na mga bayani sa kalsada upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na biyahe.
Patuloy ding hinihikayat ng komunidad ang mga donasyon tulad ng tulong pinansyal, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan upang higit pang makatulon



